Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na pinalaya na ng United Arab Emirates ang may 15 pinoy na nabilanggo ruon bunsod ng iba’t ibang kaso
Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni UAE President Sheikh Khalifa Bin Zayed Al Nahyan kasabay ng paggunita sa buwan ng Ramadan
Ayon kay Philippine Ambassador to UAE Constancio Vingno, mayruon pang 14 na pilipinong bilanggo ang nakatakdang palayain ngunit hindi pa malinaw kung kailan ito gagawin
Gayunman, nagpapasalamat si Vingno sa pamahalaan ng UAE sa paggagawad ng pardon sa may 29 na Pilipino na nakulong sa naturang bansa
Kasunod nito, pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi ang mga pilipino sa nasabing bansa na irespeto ang batas at kultura ng UAE
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco