Inihayag ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na lumalala ang kakulangan ng mga nurses sa mga private hospitals sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PHAP President Dr. Jose Rene De Grano, nasa kalahati o 50% ng mga nurses ang umalis sa kanilang mga pagamutan dahil sa iba’t-ibang mga rason.
Bukod dito, ani Dr. De Grano, nalugi rin ang kanilang hanay nang unang tumama ang epekto ng pandemya kaya’t hirap aniya silang bumawi.
Samantala, sa ngayon, iginiit ni Dr. De Grano na problema na rin nito ang mga bakuna kontra COVID-19, dahil mga pampublikong ospital aniya ang inuunang bigyan ng pamahalaan.
Gayunpaman, tuloy-tuloy pa rin ani Dr. De Grano ang pagtanggap ng mga private hospital sa mga dinadapuan ng virus.