Pinapapalitan ng mahigit 200 mga scientists mula sa 32 mga bansa ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) hinggil sa novel coronavirus.
Ito ay matapos iginiit ng mga nabanggit na scientist ang ebidensiyang nagpapakitang airborne o nadadala ng hangin ang novel coronavirus sa mga maliliit na particles na makahahawa sa mga tao.
Ayon sa mga scientist, airborne at nakahahawa sa ang coronavirus sa pamamagitan man ng malalaking droplets na nadadala pataas sa hangin matapos bumahing at umubo o kahit sa malilit na droplets na kayang lumutang sa isang buong silid.
Kasunod ng nabanggit na pag-aaral, iginiit ng mga eksperto ang pangangailangan ng pagsusuot ng masks sa mga enclose na lugar at kahit pa mahigpit na naipatutupad ang social distancing.
Gayundin ang paggamit ng mga ventilation system sa mga eskuwelahan, tahanan at iba pang mga establisyimento para maiwasan ang recirculation ng hangin.
Habang kakailanganin na rin anila ang mga ultraviolet lights para mapatay ang mga maliliit na particles na may dalang virus at lumulutang sa hangin sa loob ng mga enclose o kulob na lugar.