Diskumpyado umano ang karamihan sa mga Senador na spiritual renewal ang nagtulak kay retired SPO3 Arthur Lascañas na bumaligtad sa sariling testimonya hinggil sa DDS o Davao Death Squad.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, 2015 pa nang mangyari ang sinsabi ni Lascañas na spiritual renewal ngunit nagsinungaling pa rin siya noong nakalipas na Oktubre sa Senado kung saan itinanggi niya na mayroong DDS.
Sinabi ni Lacson na mas kumbinsido pa ang kanyang mga kapwa Senador na sama ng loob ang dahilan ng pagbaligtad ni Lascañas dahil walang napagbigyang kumubra sa kanyang mga negosyo sa Davao.
By: Avee Devierte / Cely Bueno