Pu puwedeng mag endo o end of contract anumang oras ang sinumang miyembro ng gabinete.
Ito ang reaksyon ni Senadora Grace Poe matapos i anunsyo mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggap na niya ang resignation ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Sinabi pa ni Poe na graceful exit man o hindi ang nangyari kay Aguirre patunay lamang ito na ang sinumang umabuso sa tungkulin ay hindi maaaring manatili sa puwesto.
Ayon naman kay Senadora Risa Hontiveros ang pagbibitiw sa tungkulin ni Aguirre ay malinaw na tagumpay laban sa injustice at impunity.
Gayunman malaking danyos na aniya ang nangyari sa DOJ dahil sa istilo ng liderato ni Aguirre.
Inihayag naman ni Senador Bam Aquino na nagkakaisa ang oposisyon at pangulo dahil sa mata ng taumbayan ay unti unti nang nawawala ang kredibilidad ni Aguirre sa bawat kapalpakan at palihis nitong kilos.
Deserving aniya ang bansa sa isang credible, capable at respectable justice secretary.