Nagpahayag din ng suporta ang ilang taga-showbiz sa kampanya kontra droga ng Administrasyong Duterte.
Ito’y sa gitna ng ulat na 54 na celebrity umano ang kabilang sa ikatlo at huling narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Spongecola frontman Yael Yuzon, handa siyang sumailalim sa drug test sa kanyang birthday dahil nais niyang mapatunayan na malinis siya sa kabila ng persepsyon na karamihan sa mga rock band ang gumagamit umano ng drugs.
Para kay JC De Vera, panahon na upang sumailalim ang lahat sa showbiz sa drug test upang malinis ang kanilang hanap sa maling paniwala ng publiko subalit aminadong magkahalo ang kanyang nararamdaman dahil target na ngayon ng gobyerno ang industriyang kanyang ginagalawan.
Sinabi naman ni Ryza Cenon na wala siyang ikinatatakot at handa rin siyang magpa-drug test para sa kanyang ikabubuti at upang maging patas ay dapat ding gawin ito ng kanyang mga kapwa artista.
Nitong mga nakalipas na linggo, halos sunud-sunod ang pagkaka-aresto ng ilang showbiz personality dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs kabilang na ang aktor at dating matinee idol na si Mark Anthony Fernandez.
By: Drew Nacino