Nasampulan ng Department of Trade and Industry o DTI ang ilang mga tindahan sa Balintawak Market dahil pagtitinda ng overpriced na noche buena items.
Ayon kay DTI Undersecretary Teodoro Pascua, inisyuhan ng show – cause order ang ilang tindahan matapos na lumampas ng P2.00 hanggang P5.00 ang kanilang presyo mula sa itinakdang suggested retail price.
Sa naging inspeksyon, nakitang ibinibenta ng P77.00 ang isang maliit na fruit cocktail na mas mataas ng P2.00 sa suggested retail price (SRP) habang ang all – purpose creamer ay mabibili sa P52.00 kada 250 grams na mas mahal naman ng P5.00.
Nangako naman ang mga may – ari ng tindahan na iaayon na sa SRP ang kanilang mga presyo.
Kasabay nito, ipinaalala ng DTI na naka – publish na ang SRP ng mga noche buena items sa kanilang website at mga palengke upang maiwasan ang mga overpricing.