Problemado na naman ang ilang mga jeepney driver at operators sa mahigit anim na pisong dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Marikina at Cubao, Quezon City kagabi, nagkukumahog na ang ilang mga tsuper sa ilang gasolinahan para magpafull tank.
Ayon sa mga driver, mas mainam ito para maiwasan ang mataas na singil ng ilang kumpaniya ng langis.
Iginiit ng ilang mga driver at operators, na karamihan sa kanila ay hindi pa nakakakuha ng panibagong fare matrix o taripa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaya malaking pasanin para sakanila ang panibagong taas-presyo ng petrolyo.
Aminado naman ang mga tsuper na magiging mabigat at malaking halaga para sakanila ang taas-singil sa langis lalo na sa mga driver na hindi pa maaring magtaas ng pamasahe dahil hindi parin nakakakuha ng taripa.