Dismayado ang ilang militanteng grupo sa umano’y pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makalusot ang Pork Barrel sa 2017 National Budget.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Junior, taliwas sa ipinangakong malinis at tapat na gobyerno ng Administrasyong Duterte ang pagpayag sa mga mambabatas na makapagpanukala ng mga proyektong hindi tiyak ang halaga ng gagastusin.
Malapit, aniya, sa tukso ng korapsyon ang PET Projects na may unwritten allotments.
By: Avee Devierte