Nababahala ang ilang militanteng grupo sa resulta ng mga pagdinig sa Kamara at Senado
Ayon kay Rose Trajano, Secretary General ng Alliance of Human Rights advocate bagamat nakakaalarma na ang pagtaas ng kaso ng extra judicial killings, mas nakakabahala ang mga pagdinig na tila may pinapaboran at pinaiiral ang personal agenda
Sinabi ni Trajano na nasisira sa international community ang imahe ng bansa dahil bukod sa hindi nasusunod ang human rights standard hindi nagagawa nang maayos ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin sa bayan
Dahil dito pinayuhan ni Trajano ang publiko na mas lalong maging vigilant, itigil ang kultura ng pananahimik at ipagtanggol ang karapatang pantao
By: Judith Larino / Aya Yupangco