Kinalampag ng ilang militanteng grupo sa pangunguna ng Bayan Muna, Gabriela at Anak Pawis ang tanggapan ng PNP o Philippine National Police sa Kampo Krame.
Sa harap ito ng napipintong pag-aresto sa apat na miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara matapos naman magpalabas ng warrant of arrest ang korte dahil sa kasong murder.
Ayon sa mga militanteng grupo, malinaw na panggigipit ang ginagawa sa apat na dating mambabatas na karamihan ay kritiko ng administrasyon.
Itinanggi naman ito ng PNP at iginiit na kanila lamang susundin ang kautusan ng korte.
Kasabay nito, muling umapela sa PNP Chief Director General Oscar Albayalde kina Satur Ocampo at Teddy Casiño ng Bayanmuna, Dating DAR Secretary Rafael Paeng Mariano ng Anakpawis at Dating Gabriela Representative Nap-C Sec. Liza Maza na sumuko na lamang.
(with report from Jaymark Dagala)