Nag-protesta ang ilang militanteng grupo kasabay ng pagdiriwang ng araw ng manggagawa sa ilang bahagi ng Metro Manila kahapon.
Kabilang sa lumahok ang kilusang Mayo Uno, Piston, BPO workers for Leni and Kiko, Migrante International, Peasant Movement of the Philippines, Gabriela Women’s Party, AnakPawis Party-List at Sumilao Farmers.
Ipinapanawagan ng mga naturang grupo na itaas na ang sahod, dagdag-proteksyon sa mga manggagawa, pagwawakas sa kontraktwalisasyon at red-tagging.
Ganito rin ang panawagan ng Filipino Nurses United at National Union of Journalists of the Philippines para isulong ang taas-sahod at proteksyon sa kanila sa gitna ng COVID-19 pandemic.