Kinakailangan nang repasuhin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Law dahil 50% na epektibo na lamang ang nasabing programa.
Ito’y ayon kay senador Sherwin Gatchalian dahil sa maliit na bilang ng mga benepisyaryo ang nakaahon sa kahirapan.
Kailangan anya pag-aralang mabuti dahil umaangat ang estado at antas ng mga benepisyaryo.
Sumang-ayon naman si Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo at sinabing maganda ang inisyatiba, subalit hindi ito napag-aaralan ng maayos.
Samantala, maghahain ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros kung saan magpapatawag ito ng joint congressional oversight committee upang suriin ang pagpapatupad ng 4Ps law. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla