Ikukunsidera nang na-bypass ang mga miyembro ng gabinete na hindi pa nakalulusot sa Commission on Appontments.
Ipinaliwanag ni Senate Majority Floorleader Vicente “tito” Sotto III na wala na silang ii-iskedyul na isasalang sa confirmation hearing hanggang sa mag-adjourn sine die na ang sesyon ng Kongreso sa unang linggo ng Hunyo.
Ito’y habang hindi pa naisasagawa ang kahilingan na irepaso ang bagong rules ng CA ukol sa secret voting matapos makitang hindi maganda sa naturang sistema.
Ayon kay Sotto, ang tangi nilang ii-iskedyul para sa kumpirmasyon bago mag-adjourn ang sesyon ay ang mga military officers dahil hindi naman inia-apply sa mga ito ang secret voting.
Kabilang sa mga maba-bypass ay sina Health Secretary Paulyn Ubial, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at DSWD Secretary Judy Taguiwalo.
Kinansela na ang naka-iskedyul sanang pagsasalang sa confirmation hearing ni Secretary Mariano sa susunod na linggo.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno