Nadagdagan pa ang mga miyembro ng gabinete na sumailalim sa home self-quarantine.
Kabilang dito si Education secretary Leonor Briones matapos dumalo sa dalawang pulong kung saan dumalo rin ang isang pasyenteng nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ang nasabing pulong ay naganap noong February 28 sa central office ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City at noong March 5 sa ginawang pagdinig naman sa Senado.
Wala pa namang sintomas na nakikita kay Briones at maging sa iba pang opisyal ng DepEd.
Nag self-quarantine na rin si Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Mark Villar matapos makasalamuha ang isang pasyenteng COVID-19-positive.
Kinumpirma naman ni Budget secretary Wendel Avisado ang pagsailalim sa self-quarantine matapos siyang mag-expose kay Budget secretary Carlos Dominguez na una nang nagself-quarantine matapos makipagkamay sa isang pasyenteng positibo sa COVID-19.
Nakaself-quarantine na rin si Navotas City Mayor Toby Tiangco dahil dumalo siya sa event na dinaluhan din ng mga opisyal ng gobyerno na nagself-quarantine na.