Nahaharap sa matinding hamon ang Gilas Pilipinas matapos na magtamo ng injury ang ilang miyembro nito.
Mababatid na ilang araw na lamang bago ang International Basketball Federation Olympic qualifying tournament sa Belgrade, Serbia.
Nagtamo kasi ng injury si Gilas Pilipinas member Stalwart Dwight Ramos.
Ayon kay Gilas Pilipinas Head Coach Tab Baldwin, posibleng hindi makapaglaro si Ramos sa laban sa Serbia sa Hulyo 1 at Dominican republic sa Hulyo 2 dahil sa groin injury.
Ngunit umaasa si Baldwin na magbago pa ito.
Habang si Angelo Kouame naman ay may iniindang deep knee bruise at si Carl Tamayo naman ay nagtamo ng sprained left ankle.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico