Nagsampa ng kaso sa Department of Justice o DOJ ang ilang miyembro ng Kamara laban kay Ronnie Dayan.
Sa kanilang complaint-affidavit, kinasuhan nina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, House Committee on Justice Chair at Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali si Dayan ng Disobedience to Summons.
Matatandaang naglabas ng 2 subpoena ang Kamara para kay Dayan upang bigyang linaw ang umano’y kalakalan ng iligal na droga sa new bilibid prison dahil siya mismo ang itinuro ng ilang high profile inmates na Bagman ni Senadora Leila De Lima.
Ngunit hindi dinaluhan ng nasabing dating driver at bodyguard ni De Lima ang 2 house inquiry noong September 28 at October 6.
By: Avee Devierte