Tahasang pinaratangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mamamahayag na miyembro numano ng NPA o New People’s Army
Sinabi ng Pangulo na batay sa kaniyang natanggap na impormasyon, may malalim umanong ugnayan ang ilang mamamahayag sa mga rebelde
Bagama’t hindi naman direktang pinangalanan ng punong ehekutibo ang mga naturang mamamahayag, sinabi nito marami sa kanila ang nagkukuta sa bundok partikular na sa rehiyon ng Cordillera.
Una rito, nagdeklara ng 10 araw na tigil putukan ang Pangulo sa panahon ng pasko kahit pa itinuring na niya ang npa bilang teroristang grupo.