Umubrang buong pusong nagbigay ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG ) ng convalescent plasma matapos silang makarekober sa COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng PCG, nagsimula ang ‘convalescent plasma donation drive’ sa port area sa Maynila nitong Lunes, Abril 26 hanggang ngayong hapon, Abril 28.
Mababatid na layon ng naturang programa na hikayatin ang mga naka-rekober sa COVID-19 na mga PCG personnel na tumulong sa pagpaparami ng suplay ng ‘convalescent plasma’ sa bansa.
Bukod pa rito, hinikayat din ang pag-do-donate ng mga regular na dugo para makatulong sa iba pang mga pasyenteng nangangailan ng blood transfusion.