Tutol ang ilan sa mga miyembro ng ruling party na PDP-Laban sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.
Ayon kay Rufina Pines Arcega, chairperson ng National Education Committee ng partido, kung mayroong mga sumusuporta, marami rin naman silang kapartido ang tumututol sa plano ni Pangulong Duterte.
Sakaling ituloy ang plano, posibleng mapatalsik si Pangulong Duterte sa PDP-Laban.
Ipinunto ni Arcega na iligal ang resolusyon na humihimok sa pangulo na tumakbo sa pagka-vice presdent lalo’t binalangkas ito sa kasagsagan ng isang hindi otorisadong pulong sa Cebu noong Mayo.
Magugunitang nasibak sa PDP-Laban ang tatlo sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi dahil umano sa paglabag sa rules ng partido. —sa panulat ni Drew Nacino