Posibleng nakinabang din sa illegal drug trade ang ilang mga dating miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Aquino maliban kay dating Justice Secretary at ngayon ay Senador Leila de Lima.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa isang television interview ng tanungin kung sino ang tinutukoy nya na isang opisyal mula sa “yellow” party na mas mataas ang posisyon kay De Lima na nakinabang sa drug money mula sa mga convicts sa New Bilibid Prison.
Tumanggi naman ang kalihim na pangalanan ang tinutukoy dahil kasalukuyan pa rin aniya ang isinasagawang imbestigasyon.
Nang tanungin kung ang “higher person” na tinutukoy nito ay si dating executive Secretary Paquito Ochoa, sinabi ni Aguirre na wala pa ring ebidensya na magsasangkot kay Ochoa habang patuloy pa rin ang kanilang pag i imbestiga.
By: Mariboy Ysibido