Binigyan na ng kapangyarihan ng PNP-Highway Patrol Group o HPG ang iba’t ibang motorcycle riders organization na makapagsita ng mga pasaway na motorista
Ayon kay PNP-HPG Chief Police Supt. Arnel Escobal, hinikiyat nila ang dalawapung rider clubs para maging kaagapay sa kanilang isinulong na kampanya laban sa mga pasaway na motorista sa daan.
Kabilang na rito ang mga driver na walang suot na helmet, hindi nagpaparada sa tamang lugar at iba pa.
Lalagyan ng logo ng HPG ang suot na vest ng mga piniling rider para sa kanilang pagkakakilanlan.
Ang hakbang na ito ay bilang pagtugon aniya sa dumaraming mga naka-motorsiklo at sa kakulangan na rin ng tauhan ng HPG.
—-