Pansamantalang isinara ang limang museum na naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol sa Abra kahapon.
Ayon sa National Museum of the Philippines (NMP) hangga’t nagpapatuloy ang assessment ay mananatili munang sarado ang Ilocos Regional Museum Complex sa Vigan City, Ilocos Sur, Cagayan Valley Regional Museum sa Peñablanca, Cagayan, Batanes Area Museum sa Uyugan, Batanes, Cordillera Rice Terraces Site Museum sa Kiangan, Ifugao, Kabayan Burial Caves Site Museum sa Kabayan, Benguet.
Nangako naman ang National Historical Commission of the Philippine (NHCP) na tutulong ito sa rehabilistasyon ng mga historic sites na nasira ng lindol.
Ayon kay NHCP Chairman Rene Escalante, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan at mga may-ari ng cultural property upang maisaayos agad ang mga nasirang heritage properties.