Lumikas na sa Estados Unidos ang ilang Muslim dahil sa natatanggap nilang liham na naglalaman ng pagkasuklam laban sa kanila.
Nakasaad sa sulat na dapat mamatay nang nahihirapan ang mga Muslim habang nakatanggap din ang iba ng liham na may lamang kahinahinalang puting pulbos.
Gayunman, batay sa pagsusuri, hindi naman nakalalason ang naturang white powder at bahagi lamang ito ng pananakot laban sa mga Muslim.
Ayon sa lider ng isang grupo ng mga Muslim, tumaas ang kaso ng pananakot at pangha-harass sa kanilang hanay magmula nang maganap ang California mass shooting na ikinasawi ng 14 katao kung saan ang mga suspek ay 2 Muslim.
By Ralph Obina