Dinagsa ng mga mamimili ang ilang nagtitinda ng school supplies sa Divisoria, Maynila.
Ito ay para bumili ng mga gamit sa kasabay ng pagsisimula ng face-to-face classes ngayong araw.
Sa pag-iikot ng DWIZ kaninang madaling araw sa Divisoria, pinaka maraming binibili ng mga mamimili sa last minute ang mga note book, bags, blouse, at sapatos na kakailanganin ng kanilang mga anak sa unang araw ng klase.
Nagbagsak presyo narin ang mga nagtitinda ng school supplies para maubos ang kanilang paninda at makabawi sa kanilang puhunan.
Ayon sa mga mamimili, ngayon lang sila nagkaroon ng budget kaya naging siksikan sa mga pamilihan.