Nahaharap sa Disqualification case ang ilang nagwaging kandidato sa lokal na posisyon noong May 9 elections dahil sa pagkakasangkot umano sa vote buying at iba pang election offense.
Tumanggi na munang pangalanan ni Comelec commissioner George Garcia ang mga kandidato.
Bagaman maaaring umupo sa pwesto ang winning candidate, agad anya silang tatanggalin sa sandaling mapatunayan ang akusasyon.
Hanggang Mayo 19, 933 reklamo na ang ipinarating sa pamamagitan ng Facebook ang natanggap ng Comelec Task Force Kontra Bigay habang 88 ang mula sa E-mail.
Sa 73 reports naman na nakarating sa Comelec Law Department, 50 na ang naresolba na.