Ibinabala ng isang kongresista ang nagbabadyang panganib sa security provisions na nakasaad sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sa ikalawang araw ng botohan sa House Ad Hoc Committee on the BBL, nais ipabura ni Muntinlupa City Representative Rodolfo Biazon ang mga probisyon sa ilalim ng Article 11 o Public Order and Safety.
Partikular na binatikos ni Biazon Section 14 kung saan isang regional command ng Armed Forces of the Philippines sa Bangsamoro Region ang itatatag at Section 15 na nagpapahintulot sa Chief Minister, sa pamamagitan ng Pangulo ng Pilipinas, na mag-utos sa AFP.
Bagaman ibinasura ng panel ang mosyon ni Biazon na burahin ang Section 14 sa unang round ng botohan ay tuluyan naman itong dinelete ng house panel sa second round ng voting.
By Drew Nacino