Mariing ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. Ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga puslit na sibuyas.
Ayon kay PBBM, ito’y upang matiyak na ligtas ito bago ilabas sa merkado.
Nakita rin ni pangulong marcos ang pangangailangan na kumuha ng third-party inspectors na siyang magkakasa ng phytosanitary inspection laban sa anumang uri ng sakit na maaaring makuha mula sa nasabing produkto.
Isiniwalat ng pangulo na natuklasan kasi na ang ilang nakumpiskang sibuyas ay hindi ligtas kainin.
Bukod dito, nabanggit din ni PBBM na ang halaga ng pagsasagawa ng inspeksiyon o pagsusuri sa sibuyas ay nasa limang libong piso kada kilo na mas mahal pa kumpara sa halaga nito.
Matatandaang sumirit sa 700 kada kilo ang halaga ng sibuyas sa merkado, bagay na isinisisi ng mga awtoridad sa mga mapagsamantalang negosyante.
Una nang inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na plano nitong I-donate sa mga kadiwa stores ang mga natitirang kargamento o shipments ng mga nasabat na agricultural products, kabilang ang mga sibuyas. -sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)