Isiniwalat ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang koneksyon ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto Lopez Jr. sa iba pang mga malalaking drug syndicate sa bansa.
Ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino, nakasaad sa nasabing green book ang mga transaksyon ni Lopez kay convicted robbery gang leader Herbert Colanggo na nagkakahalaga ng isandaan at limampung milyong Piso.
Lumabas na nagkaroon din ng transaksyon si Lopez sa yumaong Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr at dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr na napatay din ng mga awtoridad.
Kasunod nito, inihayag din ni Aquino na marami pang mga narco politicians ang naka-transaksyon ni Lopez batay sa green book nito ngunit tumanggi muna siyang magbigay ng detalye hinggil dito.
Bagama’t wala sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez, binigyang diin ni Aquino na hindi ito nangangahulugang ligtas na ang alkalde sa asunto.