Inalala rin ng mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang ika-12 anibersaryo ng karumaldumal na krimen.
Aminado si Ruschiel Morales, anak ng isa sa mga biktima, na hanggang ngayon ay nagdadalamhati at na-mi-miss niya ang kanyang ama kaya’t ginagawa niyang libangan ang pagsusulat ng kanta.
Inihayag naman ni Reynafe Castillo na ramdam pa rin niya ang hinagpis matapos absuweltuhin ang lahat ng akusado kaugnay sa pagkamatay ng kanyang ama at photojournalist na si Reynaldo Momay.
Pustiso lamang ni Momay ang narekober sa crime scene pero ang kanyang bangkay, hindi pa rin ntatagpuan habang nakaapela pa rin ang kaso sa Court of Appeals.
Samantala, nananawagan ang National Union of Journalists of the Philippines sa mga kapwa mamamahayag na mag-ingat at maging mapagmatyag lalo’t paparating na naman ang eleksyon. —sa panulat ni Drew Nacino