Dumating na sa bansa ang ilang dati at kasalukuyang NBA players tulad nila Trey Bruke ng Utah Jazz, Jordan Clarkson ng Los Angeles Lakers at dating NBA star Horace Grant.
Naunang dumating sina Bruke at Grant sakay ng Philippine Airlines flight PR 103 mula Los Angeles na sinundan naman ni Clarkson lulan naman ng PAL flight PR 113 sa NAIA Terminal 2.
Layunin ng pagbisita ng mga NBA stars na magsagawa ng basketball clinic para sa mga kabataan ng Metro Manila gayundin ay upang bisitahin ang itinayong NBA Cafe na matatagpuan sa SM Aura sa lungsod ng Taguig.
Bukod sa mga NBA players, kasama rin ang Oklahoma City Thunder Girls at ang Charlotte Hornets Mascot na si Hugo para magbigay-aliw sa mga Pinoy NBA fans.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)