Nanawagan ang ilang negosyante na dagdagan ang kapasidad na maaaring i-accomodate ng mga negosyong bakunado na ang mga tauhan.
Ayon sa ilang may-ari ng establisyimento, kung maaaring madagdagan ang kapasidad mula 10 hanggang 20% upang matulungan silang unti-unting bumangon.
Isa ito sa nagiging problema ng mga negosyante dahil limitado lamang ang kapasidad na pwede kahit na fully vaccinated na ang kanilang mga empleyado.
Magugunitang, nilimitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaaring makapasok sa ilang establisyimento dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng naturang virus sa bansa.
Samantala, isinusulong naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang dagdag kapasidad sa mga establisyimentong may “micro-herd immunity” kapag bakunado na ang lagpas 80% ng mga tauhan nito.