Sinamantala ng ilang mga negosyante ang pagiging patok ng virtual reality game na Pokemon Go
Ito’y dahil sa kaliwa’t kanang promo na ini-aalok ng ilang establisyemento sa sinumang makakahuli ng Pokemon sa kanilang lugar
May ilang mamamahagi ng papremyo sa sinumang makakakuha ng magandang screenshot sa paghuli ng Pokemon
Habang ang ilan naman, free board and lodging kapag maraming Pokemon ang nahuli sa kanilang establisyemento
Gayunman, walang tigil sa pagpapaalala ang mga awtoridad na maging laging alerto habang naglalaro ng Pokemon Go upang makaiwas sa anumang disgrasya o aksidente
By: Jaymark Dagala