Nakararanas na ng shortage sa suplay ng sibuyas ang ilang negosyo sa bansa.
Kabilang dito ang fast food chain na Burger King na aminadong kinakapos na ng supply ng puting sibuyas.
Para masolusyunan, inihayag ng pamunuan ng Burger King na dinamihan na lang nilaang paglalagay sa burger ng lettuce at kamatis.
Maliban sa Burger King, apektado rin ng shortage sa sibuyas ang ilang nagtitinda ng shawarma na isa sa kanilang pangunahing sangkap.
Batay sa inilabas na price watch ng Department of Agriculture, unavailable na ang puting sibuyas na unang pumalo sa 400 pesos ang kada kilo.
Una nang kinumpirma ng Department of Agriculture na kinakapos na ang suplay ng puting sibuyas at ang nakikitang solusyon ay ang pag-aangkat ng naturang produkto.