Pansamantalang isinara ang ilang mga negosyo sa macau dahil sa COVID-19 outbreak partikular na ang mga casino na itinuturing na World’s Gambling Hub.
Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga nagsara ay ang mga non-essential businesses sa loob ng isang linggo.
Una nang isinara pansamantala ang mga eskuwelahan at entertainment venues kabilang ang mga bars at cinemas dahil sa pandemya.
Nabatid na umabot sa mahigit isanglibo at limang daan ang COVID-19 cases na naitala sa nasabing bansa sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo kung saan, labing siyam na libong indibidwal ang isinailalim sa mandatory quarantine sa gitna ng Covid outbreak na nagsimula noong 2020.