Hindi pa rin kumikita ang mga negosyo na muling nagbukas at mayroong 10% dine-in capacity sa ilalim ng GCQ with alert level 4 system sa NCR, kung ang mga business owner ang tatanungin.
Aminado si Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion na hindi sapat ang 10% capacity upang kumita ang mga negosyo.
Gayunman, kung ibababa sa level 3 ang alert system sa NCR, malaki ang posibilidad na mas gaganda na anya ang takbo ng negosyo.
Ito, ayon kay Concepcion, ay upang makabawi kahit paano ang mga business owners sa kanilang pagkalugi noong mga nakalipas na buwan bunsod ng ipinatupad na lockdown.
Nilinaw naman ng kalihim na kahit mababa ang capacity ay masaya na rin ang mga negosyante dahil unti-unti nang nagbabalik ang kanilang operasyon.—sa panulat ni Drew Nacino