Posibleng magmahal ang ilang noche buena items bago mag-Disyembre.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Ann Claire Cabochan na tumaas ang presyo para sa mga produktong pasta gaya ng elbow macaroni.
Aniya, hindi regulated ang mga produktong pang-noche buena.
Ibig sabihin, hindi kailangan ng mga manufacturer na humingi ng pahintulot sa DTI kung nais nilang magpatupad ng price adjustment.
Ang tanging magagawa ng ahensya ay paki-usapan ang mga manufacturer na huwag munang magtaas o babaan ang halaga ng dagdag-presyo sa mga noche buena items.