Papayagan na ng gobyerno ang ilang non-contact sports tulad ng golf, tennis at cycling sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced at general community quarantine.
Ayon kay coronavirus task force member at defense Secretary Delfin Lorenzana, ang importante ay masunod pa rin ang physical distancing protocols sa mga nabanggit na sports.
Itinuturing pa ring “high risk” areas ang Metro Manila, Cebu City, at Laguna kaya’t simula sa Mayo 16 ay ilalagay na ito sa modified ECQ.