Ilang Overseas Filipino Workers (OFW) ang pursigidong bumalik sa kanilang trabaho sa kabila ng COVID-19 surge sa Hong Kong.
Gayunman, nangangamba ang ibang OFW kung paano makababalik sa trabaho sa gitna ng travel ban na ipinataw ng hong kong sa Pilipinas epektibo hanggang Abril a–24.
Tiniyak naman ng Society of Hong Kong Accredited Recruiters of the Philippines (SHARP) sa mga apektadong Pinoy na hihintayin sila ng kanilang mga employer sa oras na bumaba ang COVID-19 cases.
Ayon kay SHARP President Dolly Uanang, hindi maipagpapalit ng mga employer sa hongkong ang mga OFW kaya’t hindi na dapat magbayad ng renewal ang mga Pinoy dahil maaari itong i-charge sa kanilang mga amo lalo’t nasa kontrata naman ito.
Sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), umakyat na sa 76 na OFW sa Hong Kong ang tinamaan ng COVID-19, kabilang ang walong nasa ospital at 27 naka-isolate.