“Kapit sa patalim.”
Tila ganito ang pagsasalarawan ngayon sa sitwasyon ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia na apektado ng pagbaba ng presyo ng langis.
Ito’y dahil kailangan na ring ibenta ng ilang Pinoy ang kanilang sariling dugo sa mga ospital upang magkaroon ng pera at matustusan ang kanilang pangangailangan.
Ang mga nasabing OFW ay kabilang sa limang buwan nang hindi pa rin pinapa-suweldo ng ilang employer dahil sa krisis sa langis.
Sa kabila ito ng inilabas na memorandum ng pamahalaan sa mga employer ng mga Pinoy sa Saudi nangakong sa susunod na buwan pa-suswelduhin ang mga OFW.
Samantala, dahil sa problemang ito, nais na rin ng mga OFW sa Saudi Arabia na umuwi na lamang dito sa bansa.
By Drew Nacino | Allan Francisco