Dismayado ang ilang OFW’s sa Taiwan dahil bigo silang magkapag-register sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Kahit pinalawig na ang overseas absentee voting registration hanggang nitong October 14, mayroon pa ring mga OFW’s na hindi nakapagparehistro dahil sa protocols na ipinapatupad doon.
Pahirapan umano na makakuha ng slots sa online kaya’t ang iba ay nag-walk in sa MECO kung saan nagkagulo at nagkasagutan ang ilang OFW at empleyado ng MECO.
Hiniling naman ng mga Pinoy sa Northern Taiwan na i-extend ang registration at baguhin ang sistema ng pagpaparehistro.
Matatandaang sinabi ng COMELEC na hindi na nito palalawigin ang registration period para sa overseas absentee voting. —sa panulat ni Hya Ludivico