Nakikipag-ugnayan na ang Health Department sa iba’t ibang ahensya hinggil sa isyung hindi sumasailalim umano ang overseas Filipino workers (OFWs) sa quarantine na mula sa ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakausap na ng Kagawaran ang Philippine Coast Guard, Bureau of Quarantine at Department of Transportation.
Dagdag ni Vergeire, dapat sundin ang mga ipinatutupad na health protocols para hindi kumalat ang sakit sa ating bansa.
Samantala, pinasalamatan naman ni Vergeire ang Local Government Units para sa pagpupursigi na mahanap ang mga OFW at mabigyan ng abiso ukol dito.