Pabor ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Riyadh sa kamay na bakal na ipinatutupad ng pamahalaan ng Saudi laban sa terorismo.
Ang reaksyong ito ng ilang OFW’s ay kasunod ng sunod-sunod na pagbitay ng Saudi government sa mga hinatulan nilang terorista na umabot sa halos 50.
Paliwanag ng ilang OFW’s, pabor sila sa hakbang na ito dahil tinitiyak lamang anila nito ang seguridad sa nasabing bansa at paraan ito upang umiwas din ang mga OFW sa paggawa ng mga bagay na labag sa batas.
Tiwala rin ang ilang OFW’s na hindi lamang mga Saudi national ang makikinabang sa paraang ito, kundi maging ang iba pang nationalities gaya ng mga Pinoy expatriates.
By Meann Tanbio | Allan Francisco