Nagpuyos sa galit ang ilang Filipino migrant workers sa Taiwan bunsod ng umano’y mas mahigpit na implementasyon ng COVID-19 protocols doon.
Ayon sa isang Pinoy electronics factory worker, bukod sa maliit ang nalipatan niyang kuwarto ay siksikan pa na posible pang maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.
Nabatid sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei na muli umanong isinalang sa swab testing ang lahat ng factory workers na naglipatan ng dormitoryo.
Kasabay nito, nakipagpulong na rin ang isang kinatawan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Bureau of Labor ukol sa nasabing usapin.