Takot ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW’s) na umuwi ng Pilipinas dahil sa kontrobersya hinggil sa tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa mga OFW’s sa Hong Kong, ilan sa kanila ang nakatakda sanang umuwi ngayong Pasko subalit ipinagpaliban pa nila dahil sa mga report ng modus sa airport na kadalasan ay silang mga OFW ang nabibiktima.
Sinabi naman ng mga OFW mula sa Taiwan na mahigpit ang paalala nila sa mga kapwa OFW na magbabalik Pinas na maging alerto para hindi mabiktima ng ‘tanim bala’ gang.
Ganito rin ang mga hinagpis ng mga OFW sa Italy, Saudi Arabia at Singapore.
Tiwala pa rin ang mga OFW na mareresolba ng mga otoridad ang nasabing anomalya sa lalong madaling panahon.
By Judith Larino