Umaangal na ang ilang operator ng jeep sa napaka-mahal anilang presyo ng mga bago at modernong jeepney bilang bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.
Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development kahapon, inireklamo ng mga transport group sa pangunguna nina FEJODAP President Zenny Maranan at ACTO President Efren de Luna ang pahirapang pag-utang.
Ayon kina Maranan at De Luna, posibleng hindi nila kakayanin ang mataas na interes para sa pagbili ng aabot sa 1.6 Million Peso na presyo ng bawat unit ng modernong jeep.
Ito, anila, ay dahil kailangan nilang magpaluwal ng napakalaking halaga habang tutol din sila sa fleet management na maka-aapekto sa kanilang operasyon.
Posted by: Robert Eugenio