Inihayag ng isang grupo na nahihirapan ang ilang operators na kumuha ng bagong fare matrix online na kailangan upang makapaningil ng taas-pasahe.
Ayon kay National President Mody Flora ng pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), ito ay dahil hindi aniya sanay ang mga operator sa online na proseso nito.
Giit niya na kung maaari sana ay kada asosasyon na lamang ang aplikasyon ng fare matrix para mapadali ang pagkuha ng kopya nito.
Batay sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa 4,000 o 10% pa lang ang nakakakuha ng naturang matrix.