Mananatiling sarado ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga tauhan ng naturang mga ahensiya.
Sa pahayag ng LTFRB hindi muna sila tatanggap ng pisikal na transaksiyon at hindi rin magiging aktibo ang kanilang 24/7 hotline na 1342, maaari umanong tignan na lamang ang kanilang social media page para sa dagdag na inpormasyon.
Sarado rin ang LTO Central Office, Lisencing Office, North Motor Vehicle Inspection Center at Public Utility Vehicle Registration Center.
Ayon sa LTO, pinalawig na nila ang validity ng rehistro ng mga sasakyang nagtatapos ang plaka sa “0”, sakop nito ang Region 4B, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 10 at CARAGA. —sa panulat ni Mara Valle