Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Energy (DOE) para talakayin ang mga gagawing hakbang upang matugunan ang epekto ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kasama ng punong ehekutibo si Executive Secretary Victor Rodriguez, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo at Presidential Management Staff Secretary Zenaida Angping.
Sa isang post ng pangulo, nakasaad na masusi nilang tinalakay ng energy officials ang mga susunod na hakbang at magiging direksiyon ng departamento sa mga isyung kinakaharap ngayon ng bansa, partikular ang mataas na presyuhan ng langis sa buong mundo.
Samantala, sa kasalukuya ay wala pa ring itinatalaga Si Pangulong Marcos Jr. na bagong pinuno ng DOE.