Nakahanda na ang ilang opisyal ng Department of Health (DOH) na magtrabaho sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa inilabas na pahayag ng DOH, kasado na sila sa pagpapalit ng administrasyon sa katapusan ng buwan.
Aniya, pursido silang magtrabaho sa susunod na kalihim para ipagpatuloy ang implementasyon ng Universal Health Care Act.
Inihayag naman ni DOH Undersecretary and Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nais ni Health Secretary Francisco Duque III na ituloy ang mga polisiyang may kinalaman sa COVID-19 gaya ng pagpapabuti sa vaccination rate at pagpapanatili sa minimum public health standards.
Nirerekomenda rin ni Duque ang pagpapalakas pa sa health systems capacity ng bansa gaya ng mga ospital at rural health units gayundin ang pag-ibayo sa patient navigation at referrals para sa paglaban sa COVID-19.
previous post